Lex's Journey

Lex's Journey

Sunday, March 7, 2021

Broken

It's been a very long time since I posted again. Whenever I go back I am really so much in pain. literal na sobrang down, literal na sobrang sakit! Mahal na mahal ko tong tao to at alam ko mahal na mahal nya din ako. Ang dami kong tanong ko na naman tanong sa sarili ko. Hindi sapat ang love lang. Bakit umabot sa kasagaran ang galit ko? Bakit hinayaan ko makapagsabi ako ng masasakit na salita? Bakit ko sya sinaktan ng sobra para gumaan yung bigat na nararamdaman ko sa halip sa huli ako din ang nakokonsensya sa mga nasabi ko at sa nagawa ko? Opo di kami perpekto pero isa lang ang hiniling ko yung kami lang dalawa sapat na. Pero hindi ko maipilit yung bagay na yun kahit kailan. Pakiramdam ko wala kong kwenta as partner dahil di ako sapat pagdating sa bagay na yun. Pakiramdam ko di ko mapunan ung gusto nya dahil wala ko nun. Bakit ba di ako attractive physically? yung tipong ako lang ay sapat na? Bakit kailangan maghanap pa ng iba pagdating sa bagay na yun? sabi nila kung mahal mo tlaga ang isang tao di ka na hahanap ng iba o gagawa ng bagay na ikasasakit ng partner mo. Dahil nasaktan ako gunusto ko din masaktan siya by words which is mali din. Ang sakit kasi sakin na makita siya o malaman na mayroong kasama para lang sa panandaliang aliw lang. Mahal na mahal ko siya pero bakit ganun nagagawa nya yun? Bakit kaya di ako sapat? Panget ba tlga ako? mabaho ba ako? ano bang kakulangan ko physically? gusto ko siya makasama ng pangmatagalan. Gusto ko ibigay sa knya lahat ng kaya ko kaso lagi humahadlang sakin ung bagay na un. Alam mo yung gusto mo lahat itaya for love kaso nagaalangan ka kasi may bagay syang nagagawa na hindi dapat. Naiwan n naman akong magisa sa kwartong to. Walang makausap, nakakabaliw, nakakadeppress, at nakakalungkot. Gusto kong mag work pero d ko magawa. Gusto kong maging productive pero di ko magawa. Gusto ko syang makita, mahawakan, alagaan, mahalin pa, pero hindi na pwede. madami din ako kasalanan sa kanya at sana mapatawad nya ko. Maraming maraming salamat sayo. Sa pagmamahal mo, sa pagaalaga mo, sa concern mo, sa lahat ng bagay na pinapasaya mo ako. Ayoko na tignan ung pagkakamali mo o kakulangan mo sakin simula ngayon dahil tapos na din tayo. Gusto ko na lang magpasalamat sa lahat. Sana maging mabuti ka pang tao. Sana mabago mo ang sarili mo, sana magkaroon ka ng matinong work na magiging proud ka sa sarili mo at ang parents mo, at ayoko man tong sabihin pero hinihiling lo din sana may magmahal sayo ulit ung sayo siya ay sapat na at ikaw ay sapat na sa knya. Yung aalagaan ka, yung gagabayan ka, yung iintindihin ka sa lahat ng oras, yung mamahalin ka unconditionally, yung paglalaanan mo at paglalaanan ka ng panahon, yung ibibigay nyo yung pangangailangan ng isa't isa. Yung hindi ka nya pababayaan, yung masaya lang gaya ng hinihiling mo na di ko nagawa. I'm sorry loves... Sumuko na tau sa isa't isa pero deep inside mahal na mahal pa din kita. Sana mapatawad mo ko... Pasensya ka na di ko kayang maging friend mo pa. Sobra kasing sakit at ayoko makita ka na ganun ka pa din yun lang hiling ko mabago ka at pwede na taung maging magkaibigan. Ang lawak kasi ng mundo mo pagdating sex na di ko kaya makita o marinig sayo dahil ang sakit sakit. Pero andito lang ako maghihintay... Hindi sa pagbabalik mo kundi sa panahong nabago na natin ang ating di magagandang ugali at nabago ko na din ang sarili ko. Maraming maraming salamat. hinding hindi kita malilimutan. isa ka sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. ♥️ Patawad...

Music ;)